TOTAL. Tadaaa♥

Ako ay si... ♥

My photo
Manila, Philippines
I am Cyreen Louisse Pelingo Belando. 18 years living in God's own creation (EARTH). Born on the 15th of July 1992. Currently taking up Bachelor of Science in Entrepreneurial Management. Junior student at Polytechnic University of the Philippines. A certified "iskolar ng bayan". :) For me, I'm the type of person who can let others laugh and giggle, but also has my own problems. Ayoko ng may malungkot, gusto ko nakikita kong masaya at nakangiti ang mga taong importante sakn. Para sakin, pag masaya ka, masaya nadin ako. :) Mahilig ako sa mga bata. Mahilig ako sa pusa. Di ako mahilig kumain kahit di halata sa katawan ko. Kasi malusog ako. :D Finance Collector ang tatay ko, ang nanay ko Teacher. Lima kaming magkakapatid, pangalawa ako sa pinakamatanda. 4 na babae isang lalaki, kasunod ko. -- Cylie, Me, Cyrus, Cyra, Cyara May dalawang pamangkin sa ate ko. Dalawang kyut na kyut at mababait na bata. :) -- Erin Zofia at Euan Jeno. May mga barkada kong masasabi ko naman talagang tunay at palaging anjan kapag kailangan mo. :) Masaya kong nakilala ko sila. :) TBC *to be continued.

Tuesday, December 18, 2012

UTOL


hayyyyy 40 days ni cyrus bukas...
tagal na pala no?

isang buwan na mahigit mula nung bumigay sya at abuhin.

sakit pa din sa twing maalala ko muka nya, boses niya, pagaaway namin at yung mga oras na nagkakasundo kami sa kalokohan...

hirap.:(
masakit.
masikip sa dibdib.

tuwing titingin ako sa mga pictures, bumabalik lahat ng ala-ala.
ala-ala na kapag inintindi, nakaraan na.. hindi na mauulit. kailanman.

paano nga ba, unti unting nadudurog puso ko kapag naalala ko si utol.
oras na pumatak na luha ko, di ko na mapigilan pa sarili ko.

ang hirap paniwalaan pero totoo.:|

pitong araw nalang pasko na...
unang paskong wala sya.:(

-18Dec2012/10:36pm-

Saturday, November 24, 2012

Hooraah!

Ba't ganun.
Kung kailan masaya kayo, saka kayo babawian...

Ba't ganun.
Kapag umiyak ka, maya-maya mapapalitan din ng tawa...

Kahit saan na ko lumingon ngayon, kahit anong hanap pa ang gawin ko, wala na...
Wala na yung hinahanap ko.

Mahirap kwestyunin, pero mahirap din sa sarili ang paniwalain...
O Diyos Ko, bakit... Bakit ngayon na, bakit agad-agad...
Masakit, mahirap tanggapin, pero, wala eh! Ganun lang talaga ang buhay.

Buti na lang na-enjoy ni utol ang buhay niya...
Kahit na wala man kaming makitang pisikal na anyo niya,
ramdam namin sya kahit san kami magpunta...

"Tol! Kahit nasan ka man, alam naming nasa mabuti ka, nasa tabi ka ng Diyos nating Maykapal.."

For God so loved the world, He gave Us His Only SON...~